^

Police Metro

Halloween at Trick-or-Treat bawal sa San Juan

Mer Layson - Pang-masa
Halloween at Trick-or-Treat bawal sa San Juan
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nilagdaan na niya ang Executive Order No. 49 para sa temporary closure ng mga pampubliko at pribadong sementaryo, maging mga kolumbaryo sa lungsod sa mga nasabing petsa.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan ng San Juan City government ang pagsasagawa ng Halloween at Trick-or-Treat activity sa lungsod.

Isasara rin ang lahat ng public, private ceme­teries at mga kolumbaryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nilagdaan na niya ang Executive Order No. 49 para sa temporary closure ng mga pampubliko at pribadong sementaryo, maging mga kolumbaryo sa lungsod sa mga nasabing petsa.

Ayon sa Alkalde, ang mahigpit na pagbabawal sa pagdaraos ng Trick-or-Treat at iba pang activities ay upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng mass gathe­ring na maaaring mauwi sa pagkakahawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una na rin namang ipinag-utos nina Manila Mayor Isko Moreno at Mandaluyong City Ma­yor Menchie Abalos ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa kani-kanilang mga lungsod sa panahon ng Undas upang makaiwas sa posibleng pagkalat pa ng COVID-19.

vuukle comment

HALLOWEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with