^

Police Metro

SC ibinasura ang petisyon na ibalik sa MIA ang pangalan ng NAIA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na gawing Manila International Airport (MIA) ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Atty Brian Keith Hosaka, ang tagapasalita ng Korte Suprema, sinabi nito na batay sa impormasyon mula kay Chief Justice Diosdado Peralta ay “unanimous” ang naging boto ng mga mahistrado sa en banc session na i-deny ang petisyon na inihain ni Atty. Larry Gadon noong Agosto 27, 2020.

Ang pasya ng mga mahistrado, ayon kay Hosaka, ay dahil sa kawalan ng sapat na merito ng petisyon.

Nauna nang sinabi ni Gadon na pinadedeklara niyang ilegal ang batas na nagpahintulot na palitan ang pangalan ng MIA bilang NAIA, dahil hindi raw maituturing na exceptional ang karakter ni dating Sen. Ninoy Aquino, kung saan hango ang pangalang NAIA.

Pinaslang si Ninoy sa tarmac ng paliparan noong Aug. 21, 1983, at napalitan ang MIA bilang NAIA noong November 1987.

Ni-hindi nga raw idineklarang bayani si Ninoy, ayon kay Gadon. Kaya mabuti aniya na ibalik sa Manila International Airport ang pangalan ng NAIA.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with