^

Police Metro

Zambo encounter: 5 terorista, todas

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang terorista na kasapi ng Dawlah Islamiyah ang nasawi nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Sitio Limuno, Barangay Roxas, R.T. Lim, Zamboanga Sibugay kahapon ng umaga.

Sa ulat mula sa Western Mindanao Command, nagsasagawa ng security operations ang pangkat ng 44th Infantry Battalion sa nasabing lugar nang makasagupa ang nasa sampung mga terorista na ang putukan ay ­umabot ng ilang minuto na kung saan nasawi ang limang terorista at pagkasugat ng dalawang sundalo.

Ayon kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, pinuno ng 102nd Infantry Brigade narekober ng kanyang tropa ang tatlong M16 at isang M14 rifle sa pinangyarihan ng engkwentro.

“I commend the troops of the 44IB for your numerous accomplishments. Carry on your good work for the people of Zamboanga Peninsula,” ang naging pahayag naman ni Maj. Gen. Generoso Ponio, ang namumuno sa Joint Task Force ZamPeLan Commander.

Habang ginagawa ang ulat na ito ay nagpapatuloy ang panaka-nakang putukan.- Doris Franche

vuukle comment

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with