^

Police Metro

3 tiklo sa P3.4 milyong shabu sa drug bust

Mer Layson - Pang-masa
3 tiklo sa P3.4 milyong shabu sa drug bust
Ang tatlong drug suspects na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Police station 4 Station Drug Enforcement Unit (QCPD-SDEU) sa isang buy bust operation sa Quirino Highway San Bartolome Novaliches, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation ang tatlong suspects at nasamsam sa kanila ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang gasolinahan sa Novaliches, Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga naares­tong suspek na sina Carlos Tuazon, alyas ‘Kuya,’ 43; Melvin Almario, 38; at Cedric Pe, alyas ‘Decdec’, pawang residente ng Makati City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Hector Amancia, ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Quirino Highway, Brgy. San Bartolome, sa Novaliches.

Nauna rito, nakatanggap ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 4 ng intelligence information hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek sa area ng Novaliches, kaya’t nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City at nagkasa ng buy-bust operation.

Isang undercover ope­rative ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P70,000 halaga ng shabu sa mga suspek ay kaagad na silang inaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 mil­yon, isang Toyota Vios na may plate number na NBV 2258, tatlong cellphone at buy-bust money.

vuukle comment

DRUG BUST

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with