^

Police Metro

DOJ haharangin ang pagpapalaya kay Pemberton

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsusumite ng ka­nilang mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Olongapo City RTC na humahawak sa kaso ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton upang hara­ngin ang pagpapalaya dito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na magsusumite sila ng ‘motion for reconsi­deration’ sa Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 na pinamamahalaan ni Judge Roline Ginez-Jabalde.

Umaasa naman si Guevarra na sasamahan ang DOJ ng Office of the Solicitor General, ang nagsisilbing abogado ng gobyerno, sa pag-apela sa desisyon ng mababang korte na mapalaya si Pemberton.

Ito ay makaraang magdesisyon ang korte na palayain na si Pemberton kahit hindi pa napagsisilbihan ang maximum na hatol na 10 taong pagkakulong dahil sa kasong pagpaslang sa ‘transgender woman’ na si Jennifer Laude.

Ibinase ito sa komputasyon sa ‘good conduct time allowance (GCTA)’ ni Pemberton na napagsilbihan na ang pagkakulong ng kabuuang 2,142 araw at nakakuha na ng 1,548 GCTA para sa kabuuang 3,690 araw o katumbas ng 10 taon, isang buwan at 10 araw.

Nabatid na nagsampa na rin ng mosyon ang pamilya ni Laude para ipatigil ang pagpapalaya kay Pemberton.

vuukle comment

DOJ

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with