^

Police Metro

Oil price gagalaw sa unang araw ng ‘ber’ month

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagsalubong sa unang araw ng Setyembre, magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, PTT, Philippines at Seaoil ang dagdag presyo na P0.10 kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman na P0.10 sa kada litro ng diesel at kerosene epektibo dakong alas-6 ng umaga bukas.

Inaasahan naman na susunod na maglabas ng abiso ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang iba pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang isinagawang dagdag-bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

vuukle comment

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with