^

Police Metro

DOJ tuloy ang pagkalkal sa Philhealth mess

Ludy Bermudo - Pang-masa
DOJ tuloy ang pagkalkal sa Philhealth mess
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pinuno ng Task Force PhilHealth at sa kabila ng mga pagsubok dahil sa kulang-kulang na kasagutan ng mga resource person sa isinasagawang imbestigasyon sa talamak na katiwalian sa ahensya.
STAR/Krizjohn Rosales, file

Kahit na nagbitiw si Morales…  

MANILA, Philippines — Kahit na nagbitiw sa puwesto si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales ay tuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng Department of Justice (DOJ) sa korapsyon sa nasabing ahensiya.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pinuno ng Task Force PhilHealth at sa kabila ng mga pagsubok dahil sa kulang-kulang na kasagutan ng mga resource person sa isinasagawang imbestigasyon sa talamak na katiwalian sa ahensya.

Umaasa naman ang task force na makakabuo ng kaso at mahabol ang mga sangkot sa katiwalian, sila man ay incumbent o hindi.

Tiniyak ni Guevarra na hindi pa rin abswelto sa imbestigasyon si Morales kahit nagbitiw na ito sa puwesto.

Sa katunayan, ang aniya’y “quiet investigation” ng task force ay maayos ang itinatakbo bagama’t may ilang resource persons sila na hindi nagsasabi ng buong katotohanan o hindi kumpleto ang pahayag.

Nabatid na ipinasa ni Morales ang kanyang pagbibitiw sa puwesto nitong Miyerkules, Agosto 26 na kinumpirma naman ni Presidential spokesperson Harry Roque at Senator Christopher “Bong” Go.

Matatandaang sinisisi si Morales ng mga whistle­blower sa pag-apruba ng mga overpriced na IT system maging ang pagbibigay ng pondo sa mga pinapaborang ospital.

Samantala, may napili nang Officer-in-Charge para sa nakabanteng puwesto ng nagbitiw na si Morales sa katauhan ni Arnel de Jesus, na siyang Executive Vice President ng korporasyon. - Malou Escudero-

vuukle comment

PHILHEALTH

RICARDO MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with