^

Police Metro

Inmate utas sa bugbog ng mga kakosa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 40-anyos na preso nang mabugbog ng mga kasama sa selda na kanyang nakaaway sa Manila Police District-Station 11, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Pascual Magora y Rosendo, ng Martinez Building, Dasmariñas, Binondo, Maynila.

Sa ulat, bago nasawi ang biktima, alas 10:50 ng gabi sa ospital ay nakabugbugan nito ang presong si Angelo Sy, 28, alas-7:00 ng gabi na agad naawat ng nakatalagang jail officer.

Bandang alas-10:00 ng gabi ay mu­ling naki­pag-away ang biktima kina Joseph Jamindang; Edgar Matadbus, 22; Edgardo De Jesus na nauwi sa pambubugbog at nang maawat ay nagreklamo ito na hindi makahinga kaya’t dinala sa ospital na kung saan hindi na umabot ng buhay.

Ang biktima ay nakulong lamang nitong Agosto 24 sa paglabag sa Article 287 ng Revised Penal Code (unjust Vexation) at Art. 155 (RPC) Alarms and Scandal.

vuukle comment

INMATES

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with