^

Police Metro

3 patay sa drug bust sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na umano ay mga drug pusher ang napatay nang ito umano ay manlaban sa isang buy-bust operation sa Barangay Abar 2nd, San Jose City, Nueva Ecija, kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl L. Bruno, hepe ng San Jose City PNP, ang mga napatay na suspek na sina Larry at Noel Fernando na umano’y mag-utol at isang alyas “Ambet”.

Sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-3:30 ng madaling-araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad at isa sa kanilang kabaro ang nagpanggap na buyer.

Nang magkaabutan ng items ay nakahalata ang mga  suspek na parak ang kanilang ka-transaksyon na humantong umano sa palitan ng putok ng baril na ikinasawi ng mga ito.

Nasamsam ang 3 piraso ng caliber .38 revolver, 8 piraso ng small size plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang kulay puti na Ford Fiesta (POW-975) at isang kulay asul na Mitsubishi Adventure (APA-1097). - Raymund Catindig-

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with