^

Police Metro

Turismo at imprastraktura, isinulong ni Cong. Yap

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, chair ng committee on appropriations na tu­rismo at imprastraktura ang pagtutuunan ng pansin at paglalaanan ng mala­king pondo sa Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19.

Anya, sa pamamagitan ng Bayanihan 2, karampatang budget ang inilaan sa bawat ahensya para magtayo ng mga institusyonal na mekanismo para tulu­ngan ang mga kababayan na higit na naapektuhan ng krisis na ito at isa rito ay ang turismo na bago pa ang COVID-19 ay mala­king porsyento ng kita ng pamahalaan ang galing sa sektor ng turismo.

May pondo na inilaan sa ilalim ng Bayanihan 2 na magagamit para muling buhayin ang turismo sa bansa na aabot sa P1 bilyon para sa tourism infrastructure, P3 bilyon para sa tourism workers na nawalan ng trabaho, at 6 bilyon para alalayan ang MSMEs at iba pang bahagi ng tourism industry sa pamamagitan ng soft loans, ang inilaan ng kongreso sa ilalim ng panukalang batas.

Giit pa ni Yap, bukod sa mga kalsada at iba pang pag-upgrade ng mga tourism infrastructure, inaasahan din ang pondo ay gagamitin para sa pagpapatayo ng mga pasilidad katulad ng CR at water stations na magagamit ng mga turista.

vuukle comment

COVID-19

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with