^

Police Metro

DOJ ibinasura ang conspiracy case vs kritiko ng PECO

Pang-masa
DOJ ibinasura ang conspiracy case vs kritiko ng PECO
Sa resolution na ipinalabas ng DoJ na sinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi nito na walang basehan ang kasong isinampa ng PECO laban kina Atty. Joshua Alim; Atty. Plaridel Nava II; Dr. Marigold Gonzales at Jane Javellana.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice(DoJ) ang kasong graft, conspiracy at falsification of public documents na isinampa ng Panay Electric Company(PECO) laban sa mga kritiko nito na kinabibilangan ng mga abogado at advocates na nasa likod ng ‘No to PECO Franchise Renewal’.

Sa resolution na ipinalabas ng DoJ na sinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi nito na walang basehan ang kasong isinampa ng PECO laban kina Atty. Joshua Alim; Atty. Plaridel Nava II; Dr. Marigold Gonzales at Jane Javellana.

Ang kaso ay nag-ugat matapos ang kumalat na manifesto ng mga Iloilo consumers na “No to PECO Franchise Rene­wal” na sinasabing pinasimulan ng mga respondents, ang nasabing manifesto ay kumalat sa Iloilo hanggang sa Kongreso kung saan dinidinig noon ang franchise renewal application ng PECO.

Iginigiit umano ng PECO na ang manifesto na may lagda ng may 27,000 residente ay pineke at naglalayon lamang na paboran ang More Electric and Power Corp (More Power).

Sa reklamong graft na isinampa laban kina Alim at Nava na kapwa dating Iloilo City Councilors ay sinabi ng DoJ na wala silang nakita na naging paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) ng dalawang opisyal nang lumagda ito sa manifesto.

Una nang idinepensa nina Alim at Nava na ang kanilang reklamo at aksyon laban sa PECO ay kanilang tungkulin bilang halal na opisyal lalo pa at batid nila ang reklamo ng mga consumers sa serbisyo ng PECO kabilang na ang overbilling, billing without reading, inefficient services at mahinang customer service.

vuukle comment

DOJ

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with