^

Police Metro

Bayanihan 2 raratipikahan na

Doris Franche - Pang-masa
Bayanihan 2 raratipikahan na
Dito ay nakapaloob ang probisyong may kapangyarihan ang Kongreso na siyasatin at bantayan ang pagpapatupad ng programa na tutugon sa panga­ngailangan ng mga Pilipino upang labanan ang epekto ng coronavirus disease-19 (COVID-19).
STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Raratipikahan ngayong araw sa Kamara ang Bangon Fund o ang Bayanihan to Recover as One Bill o mas kilala bilang Bayanihan 2.

Dito ay nakapaloob ang probisyong may kapangyarihan ang Kongreso na siyasatin at bantayan ang pagpapatupad ng programa na tutugon sa panga­ngailangan ng mga Pilipino upang labanan ang epekto ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Kinumpirma ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na sa unang araw pa lamang ng pagpapatupad ng Bayanihan 2 ay mahigpit ng imo-monitor ng Kamara ang programa upang hindi na ito matulad sa Bayanihan 1 na masyadong naantala ang pagbibigay ng ayuda.

Sa sandaling lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap na isang batas ang Bayanihan 2 ay makatatanggap ng emergency subsidy ng mula P5,000 hanggang P8,000 ang mga apektadong mahihirap na pamilya sa mga lugar na nasa lockdown at pamilya ng mga nagsiuwing Overseas Filipino Workers.

Ang halaga ay depende sa kung ano ang umiiral na regional minimum wage rates.

Ang buong Kongreso ay may mandato sa ilalim ng Bayanihan 2 na siguruhing tama at balido ang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) at pinadali rin ang liquidation report upang hindi ito makaantala sa programa.

Kabilang sa tatanggap ng P5000 hanggang P8,000 subsidiya ang mga nawalan ng trabaho kusa mang tumigil o tinanggal dahil sa pandemya maging sila man ay probationary, project, seasonal, contractual at casual employees.

vuukle comment

BAYANIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with