Face shield mandatoryo na sa malls
MANILA, Philippines — Hindi lamang para sa mga public transportation at workplace kundi mandatoryo na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga commercial establishments gaya ng mga malls.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang napagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments, gaya po ng mga malls,” ayon kay Sec. Roque.
Sinasabing Agosto 15 sinimulang ipatupad ang pagsusuot ng face shield sa pagsakay sa pampublikong transportasyon at ni-require ng DTI sa workplaces makaraang isama sa panibagong guidelines ito ng IATF.
Sa harap nito’y mayroon na din umanong mga establisyemento ang nagpatupad na ng ganitong polisiya gaya ng ilang banko at mall na dito ay hindi na nagpapapasok sa mga indibidwal kung walang face shield.
- Latest