^

Police Metro

Maynila, 24 hours na ang food take-out at delivery

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puwede nang maka-order ng pagkain anumang oras sa siyudad ng Maynila makaraang ipag-utos ni Mayor Isko Moreno na gawing 24 oras ang food delivery at take-out upang tulungang kumita ang mga negosyo ngayong panahon ng pandemya.

Pinirmahan ni Moreno ang Executive Order No. 35 na sinabi niyang paraan ng Pamahalaang Lungsod para protektahan rin ang trabaho ng mga taga-Maynila at upang patuloy na mabuhay ang mga negosyo.

Kailangan umano na gumawa ng mga paraan para unti-unting mapanumbalik ang ekonomiya partikular na sa industriya ng pagkain at mga restoran.  May pangangailangan din na mabalanse ang panga­ngailangan ng publiko.

Ngunit ipinaalala ng alkalde na maaari lamang pagsilbihan ng mga restoran ang mga taong may otorisasyon na lumabas ng bahay sa mga oras na may umiiral na curfew.

vuukle comment

FOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with