^

Police Metro

6 drug suspects timbog sa P136.2 miyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasig City at Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa Pasig City, naaresto, alas-7:00 ng gabi sina Joel Narido, alyas ‘Noel,’ 39, ng 290-3 Westbank Road, Maybunga, Pasig City; Maria Teresa Concil, 35, at Ronald Solomon, 41, kapwa ng 1664 Onyx Street, San Andres Bukid, Manila at nasamsam sa kanila ang 20 vacuum sealed yellow foil packs na naglalaman ng mga hinihinalang shabu na nakasilid sa mga Daguanyin Chinese tea bag, at tinatayang nasa 20 kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P136 milyon.

Sa Maynila, naaresto naman sina Arlan Gahisan, alyas Ambo, 48; Emran Abag, 25 at si Raymark Chavez, 32, kapwa nakatira sa No. 89 Baseco Compound, Port Area, ng naturang siyudad.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Delpan Street corner CM Recto Avenue, Brgy. 12, Tondo nang magpanggap ang isang pulis na buyer at nasa 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000 ang nasamsam sa kanila.- Danilo Garcia, Doris Franche-

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with