^

Police Metro

Cavite car crash: 3 bagets todas

Cristina Timbang - Pang-masa
Cavite car crash: 3 bagets todas
Ang mga namatay ay kinilalang sina Daniel Dunluan Jr., 22 ng Blk.51, U-9 New Era Compd., Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City; John Lester Nadorata, 21 ng 14 Malihan St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City; at Mark Daniel Cayabyab, 23 ng 7011 New Era Compd. Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City. Habang kritikal sina Jersonbob Cruz, 22, ng Blk 19, Lot 3, Ph 2 Citi Homes, Subd. Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City; at John Tereckson Saylon, 22 ng 397 Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang tatlong kabataan habang dalawang iba pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang sinasakyan nilang kotse ay sumalpok sa center island sa kahabaan ng E. Aguinaldo Highway Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang mga namatay ay kinilalang sina Daniel Dunluan Jr., 22 ng Blk.51, U-9 New Era Compd., Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City; John Lester Nadorata, 21 ng 14 Malihan St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City; at Mark Daniel Cayabyab, 23 ng 7011 New Era Compd. Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City. Habang kritikal sina Jersonbob Cruz, 22, ng Blk 19, Lot 3, Ph 2 Citi Homes, Subd. Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City; at John Tereckson Saylon, 22 ng 397 Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng Toyota Corolla Sedan (TRA-276) na minamaneho ni Cruz at mabilis umanong binabag­tas ang nasabing highway patungong sa direksyon ng Imus na noon ay kasagsagan ang buhos ng ulan.

Bigla umanong nawalan ng preno ang kotse kaya’t nawalan ng control sa manibela si Cruz at tuluy-tuloy na sumalpok sa kongkretong center island.

Halos nayupi na parang lata ang unahan ng kotse at dinala ang mga biktima sa Pagamutan ng Dasmarinas City, suba­lit idineklarang patay ang tatlo habang ang da­lawa ay patuloy na ino-obserbahan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with