^

Police Metro

Multa sa ‘di pagsusuot ng face mask sa Quezon City binabaan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Multa sa �di pagsusuot ng face mask sa Quezon City binabaan
Sa ilalim ng pinagtibay na QC Ordinance No. SP-2957, S-2020, ang pagpapababa sa pe­nalty ay para mapagaan ang gastusin ng mga violators mula sa epektong dulot ng pandemya ng COVID-19.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Binabaan na ng Quezon City Council ang halaga ng “penalty” o multa para sa mga taong mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Sa ilalim ng pinagtibay na QC Ordinance No. SP-2957, S-2020, ang pagpapababa sa pe­nalty ay para mapagaan ang gastusin ng mga violators mula sa epektong dulot ng pandemya ng COVID-19.

Sa ilalim ng ordinansa, gagawin na lamang na P300 ang penalty sa first offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense o maaaring pagkakulong ng 1-taon batay sa desisyon ng korte.

Dati ang penalty sa hindi pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa ilalim ng Ordinances SP-2908, S-2020 at SP-2936, S-2020 ay  P1,000 sa unang offense, P3,000 sa second offense  at P5,000 sa 3rd offense.

Patuloy namang nananawagan si QC Mayor Joy Belmonte sa publiko na ugaliing magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar upang maiwasang mahawa ng COVID-19.

“By wearing a mask, we not only protect ourselves from contracting the virus but our families, friends and communities,” pahayag ni Belmonte.

vuukle comment

FACEMASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with