^

Police Metro

2 Chinese na kidnaper, tiklo

Doris Franche - Pang-masa
2 Chinese na kidnaper, tiklo
Ang dalawang Chinese national na naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) matapos kidnapin ang dalawa nilang kababayan na nasagip sa isang rescue operation.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ­elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group ang dalawang Chinese habang ligtas na nasagip ang 2 Chinese na kanilang kinidnap sa isinagawang operation sa Las Piñas City.

Nakilala ang  mga suspek na sina Weng Zhiting at Cheng Guo habang nasa ligtas nang kalagayan ang biktimang sina Jiang Xiao Hao at Li Weizu.

Sa ulat, alas- 11:00 ng umaga nang isinagawa ang operation ng mga otoridad  sa Block 5 Lot 11, Louis Vail, Aurelia St, BF Resort Village, Las Piñas City.

Isinagawa matapos na humingi ng tulong ang misis ni Jiang Xiao Hao na si Yang Lingyu,  na dinukot  ito noong Aug. 7, 2020 sa Regency Salcedo, Bel-air, Makati City ng mga armadong grupo na humihingi ng 500,000 RMB kapalit ng pagpapalaya nito.

Nang muling tumawag ang mga suspek ay nagpasiya ang pamilya ng biktima na magbigay ng halagang 80,000 RMB na ipina­dala sa pamamagitan ng Alipay Apps Account na transfer sa account ng mga suspek.

Dito na nagsagawa ng operation ang mga otoridad matapos na makumpirma na pumasok na ang nasabing pera at lokasyon ng biktima at mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with