DepEd: Mag-school uniform sa online classes
MANILA, Philippines — Hinikayat ng isang opisyal mula sa Department of Education (DepEd) ang mga estudyante na isuot ang kanilang school uniform o kaya naman ay magsuot nang pormal na pananamit sa online classes.
Ayon kay DepEd Region 7 director Dr. Salustiano Jimenez, ito ay para maiwasan ang isyu ng bullying.
“To prevent from bullying na mangyayari, ini-encourage na dahil nasa platform ka na online, puwede lang magbihis ng angkop sa klase,” aniya.
Giit pa ni Jimenez, ang online classes ay nararapat pa ring magkaroon ng classroom setting.
Sa panig ng DepEd, tuloy na ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa August 24 at susundin ang patakaran ng IATF.
- Latest