P2.4 bilyon itinabi ng DOH para sa pagbili ng bakuna
MANILA, Philippines — Inisyal na P2.4 bilyong pondo para sa pagbili ng mga bakuna kontra sa COVID-19 ang itinabi ng Department of Health (DOH).
“We allocated P2.4 billion for purchase of COVID-19 vaccine. We don’t know how much we can be able to procure, pero madadagdagan pa naman iyan (P2.4 billion)”,ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nangako na ng bakuna para sa 20 milyong tao o 20 porsyento ng populasyon ng bansa ang mga kausap nilang manufacturers. Maaari pa naman umano itong magbago kung madadagdagan o liliit.
Unang inihayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa 40 milyong doses ng bakuna na karamihan ay mula sa China ang ilalaan sa Pilipinas bago mag-Disyembre.
- Latest