^

Police Metro

Hontiveros, ’di sangkot sa PhilHealth scam

Pang-masa
Hontiveros, �di sangkot sa PhilHealth scam
Humarap sa Senado noong Martes ang nagbitiw na si dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth na si Atty. Thorrsson Keith na siyang nagbulgar ng mga ano­malyang nangyayari sa loob ng ahensiya at hindi nabanggit ang pangalan ni Sen. Risa Hontiveros na sangkot noong ito ay nanunungkulan pa bilang director.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Hindi umano sangkot sa Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) si Senator Risa Hontiveros batay sa na­ging pagdinig ng Senado noong Martes na mayroon umanong “mafia” sa loob ng ahensiya ng overpricing sa mga makabagong equipment at may garapalang pagmamanipula sa reimbursement payment sa mga ospital.

Humarap sa Senado noong Martes ang nagbitiw na si dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth na si Atty. Thorrsson Keith na siyang nagbulgar ng mga ano­malyang nangyayari sa loob ng ahensiya at hindi nabanggit ang pangalan ni Hontiveros na sangkot noong ito ay nanunungkulan pa bilang director.

Si Hontiveros ay itinalaga ni dating pangulong Noynoy Aquino bilang direktor ng PhilHealth noong November 2014 at naging miyembro ng board hanggang October 2015 at inakusahan umano ng pangungurakot sa loob ng dalawang taong pamamalagi sa ahensya.

Nauna na ring inilabas ng VERA Files ang resulta ng kanilang ‘fact check’ at sinertipikahang ‘fake news’ dahil sa nagbaba ng Notice of Disallowance ang COA sa mga opisyal ng PhilHealth para ibalik ang nasa P165.85 milyong halaga ng hindi otorisadong bonuses at allowances na naibigay noong 2009, 2010 at 2014.

Ayon sa PhilHealth at COA, hindi kabilang si Hontiveros sa mga pina­dalhan ng Notice of Disallowance na ang ibig sabihin ay hindi siya kabilang sa mga nakatanggap ng maanomalyang bonuses, at pinahintulutan ang pagbibigay ng bonuses na ito bago pa man naupo siya bilang board member.

vuukle comment

PHILHEALTH

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with