^

Police Metro

5 miyembro ng pamilya sa Zamboanga, minasaker

Doris Franche - Pang-masa
5 miyembro ng pamilya sa Zamboanga, minasaker
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Carlito Advincula Aban, 60; Aldrin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Rosalia Navales Quirit, 45, pawang taga-Sitio Padaun, Brgy. Candiz, Siocon, Zamboanga Del Norte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kapwa natagpuang patay ang anim na miyembro ng isang pamilya matapos na sila ay pagbabarilin at pagkatapos ay sinunog pa ang kanilang bahay ng mga grupo ng kalalakihan sa Siocon, Zamboanga Del Norte, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Carlito Advincula Aban, 60; Aldrin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Rosalia Navales Quirit, 45, pawang taga-Sitio Padaun, Brgy. Candiz, Siocon, Zamboanga Del Norte.

Sa ulat ni B/Gen. Jesus D. Cambay Jr., Regional Director, PRO9, alas-12:40 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril at panununog sa bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na nagawa pang makatawag ni Aldrin sa kanyang kapatid na si Tairon na sinugod umano ang kanilang bahay ng isang Elpidio Obiniana, alias Balondong na kasama ang ilang hindi nakikilang mga kalalakihan.

Ito ay inireport ni Tairon sa mga otoridad na nagresponde sa lugar, subalit nang dumating ay nada­tnan na tupok na ang bahay at patay na ang lima na miyembro ng pamilya na pawang may mga tama ng bala sa katawan.

Agad naman nagtungo ang mga otoridad sa nasabing lugar nguni’t nang dumating ang mga ito ay tupok na ng apoy ang bahay at nang siyasatin ay natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Naniniwala ang mga otoridad na matagal ng alitan ang motibo ng pagpatay sa mag-anak. Nagsagawa na ng manhunt operation laban sa mga tumakas na mga salarin.

vuukle comment

KRIMEN

MASAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with