^

Police Metro

Mga obispo, pari hinikayat na tumulong para pigilan ang karumal-dumal na krimen

Joy Cantos - Pang-masa
Mga obispo, pari hinikayat na tumulong para pigilan ang karumal-dumal na krimen
Sa kasalukuyan nasa 12 panukalang batas ang nakahain sa House Committee on Justice para buhaying muli ang death pe­nalty partikular na sa mga convicted drug lords at mga nakagawa ng karu­mal-dumal na krimen.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Doon sa mga anti-death penalty, may advice ako sa kanila lalo na sa mga kaibigan natin na mga pari, mga obispo especially those against the death penalty, ang sinasabi ko sa kanila noon, help us prevent crime.”

Ito ang naging payo ni Speaker Alan Peter Cayetano sa mga obispo, pari at iba pang mga grupo na tutol sa pagbuhay muli ng death penalty sa pamamagitan ng lethal injection na tumulong na pigilan ang mga karumal-dumal na krimen sa bansa.

Sa kasalukuyan nasa 12 panukalang batas ang nakahain sa House Committee on Justice para buhaying muli ang death pe­nalty partikular na sa mga convicted drug lords at mga nakagawa ng karu­mal-dumal na krimen.

Idinagdag pa dito na sa bersyon ni 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ay nais nitong patawan din ng death pe­nalty ang mga sangkot sa coup de etat, treason, plunder maliban pa sa mga heinous crimes at maging sa mga drug traffickers.

Bagaman ikinakatwiran ng mga kritiko na walang dahilan para buhayin muli ang death pe­nalty ay may matinding pangangailangan dito kung laganap ang rape, laganap ang drugs, laganap yung mga karumal-dumal na heinous crimes ay may mga mambabatas na magsusulong na muli itong buhayin.

Magugunita na nitong Hulyo 27 sa kaniyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ay hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas ng Kongreso na lumikha ng mga panukalang batas para buhaying muli ang death penalty laban sa mga convicted drug traffickers.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with