Free bus ride idineploy ng DOTr para sa mga frontliners
MANILA, Philippines — Magiging araw-araw na ang “Free Ride” for Health Workers and Medical Frontliners Programs ng Department of Transportation (DOTr) matapos ideploy ang nasa 100 bus.
Ito ang sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na ang free bus ay nag-o-operate mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa may 20 ruta sa Metro Manila Area.
Kaya naman mas marami na ang maseserbisyuhan at matutulungang frontliners ng programa, lalo na ngayong isinailalim muli ang National Capital Region sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Libiran, naging posible ang programa dahil sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng pribadong sector.
Bukod dito, nagpapatupad din aniya ang DOTr Road Sector ng ‘hospital positioning strategy,’ kung saan may mga tinukoy silang mga pagamutan, sa koordinasyon ng Department of Health (DOH), at lalagyan ng dedicated shuttle service para sa mga empleyado.
Kung nais makita ang mga ruta, i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/100572768145549/posts/177760183760140.
- Latest