^

Police Metro

1,943 PUJ sa Metro Manila balik-pasada ngayon

Angie dela Cruz - Pang-masa
1,943 PUJ sa Metro Manila balik-pasada ngayon
Sa pagbabalik-pa­sada ng nasabing bilang ng mga passenger jeep ay umaabot na sa 7,945 pampasaherong jeep ang pinayagan na magbalik-operasyon o may 14 percent ito ng 55,000 pampasaherong jeep sa Metro Manila.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Makaraang pa­yagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-029 ay balik-pasada na ngayon ang nasa 1,943 pampasaherong jeep para sa 17 bagong ruta sa Metro Manila bilang karagdagang  sasakyan na magseser­bisyo sa mataas na bilang ng mga commuters.

Sa pagbabalik-pa­sada ng nasabing bilang ng mga passenger jeep ay umaabot na sa 7,945 pampasaherong jeep ang pinayagan na magbalik-operasyon o may 14 percent ito ng 55,000 pampasaherong jeep sa Metro Manila.

Narito naman ang mga ruta ng bibiyaheng jeep: MCU--Sangandaan; Novaliches – Rizal Ave. via A. Bonifacio; Tandang Sora – Visayas Ave. via Quezon City Hall; Monumento – Paco, Obando via M.H. Del Pilar; Quirino Highway – Sta. Lucia; Crame – Cubao via Murphy; Crame – Q. Mart via P Tuazon, E. Garcia; SSS Village, Marikina – Cubao, Quezon City; Parang, Marikina-Marikina (TP) via Fortune; Guadalupe (ABC) – Taguig via Tipas; Calumpang – Cubao via P. Tuazon; Ayala – Guadalupe (Ibabaw) via JP Rizal; Libertad, Pasay – Pasay Rd; Paco – Sta. Mesa Rtda via Nagtahan; Pier South – Sta. Ana via P. Faura; Navotas – Recto via Heroes Del 96; at Gate 5 – Greenhills Shopping Center Loop,

Tulad ng mga naunang jeep na pinayagang pumasada, ang mga sasakyan ay iisyuhan ng LTFRB ng QR (quick response) codes o special barcodes para sa mga qualified operators na dapat naka-print sa short bond paper at ila­lagay ito sa unahan ng sasakyan. 

Ang mga papasadang jeep ay dapat ding naka­rehistro sa LTO bilang  roadworthy na may  valid personal passenger insurance policies.

Dapat ding susundin ng drivers at operators  ang mga kaukulang safety measures na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa panahon ng pamamasada tulad ng pagsusuri ng  body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves, at kalahati lamang ang passenger capacity ng sasakyan.

Ang mga lalabag sa kautusang ito ng LTFRB ay maaaring matanggalan ng kanilang franchise o provisional authority.

vuukle comment

LTFRB

PUJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with