^

Police Metro

‘Economic offensive’ para labanan ang pagbagsak ng ekonomiya

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee na dapat “economic offensive” ang estratehiya ng Pilipinas upang mabisang  labanan ang nakaambang pagbagsak ng ekonomiya dulot ng Covid-19 pandemya.

Nanawagan ang mam­babatas na pagtibayin agad ng Kongreso ang panukalang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act,’ na matagal nang na­kabinbin sa lehislatura, at lalong pasiglahin ang implementasyon ng “Build, Build, Build program” ng pamahalaan.

Upang manatiling nasa opensiba ang pang-ekonomiyang hakbang ng bansa kaugnay ng kanyang panawagan, naglabas si Salceda ng isang ‘34-point manifesto’ na naglalayong isulong ang programang “Lupigin ang Covid-19” ni Pangulong Duterte na inaasahan niyang babanggitin ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

“Tiyak, hindi natin maililigtas ang bawat trabaho. Malaki na ang mga ipinagbago ng ekonomiya ngunit magagawa nating magsikap upang lumikha ng higit sa isang trabahong katapat ng bawat trabahong nawala, at maaaring sanayin natin ang mga mamamayan sa mga bagong trabahong lilikhain,” paliwanag niya.

Muling nanawagan si Salceda na dapat maging batas na ang ilang mga panukalang nakabinbin pa sa Kongreso na naglalayong pasulungin ang “stable credit rating” ng Pilipinas at lalong patibayin amg mga industriya at panga­ngalakal nito.

vuukle comment

EKONOMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with