^

Police Metro

2 miyembro ng KFRG todas sa San Mateo, Rizal

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng “Cutad” kidnapping-for-ransom group matapos makaengkuwentro ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Gulod, San Mateo, Rizal.

Ang dalawang napatay na suspek ay kinilalang sina Nathaniel James Recto alias Ton-Ton ng San Mateo, Rizal habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng kasama nito na miyembro ng Cutad KFRG.  

Nagsasagawa ng surveillance operation ang mga otoridad upang ihain ang 3 warrant of arrest  na ipinalabas ni Hon. Josephine Zarate- Fernandez, Presiding judge ng RTC Branch 76, San Mateo, Rizal sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to RA 8369 at RA 9344, sa paglabag sa Sec 261 ng Omnibus Election Code in relation to Sec 32 ng RA 7166 at COMELEC Resolution No. 10446 in relation to RA 8369 at  RA 9344 and For Violation of Grave Coercion laban kay Recto.

Habang sinusundan ng mga operatiba ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo nang makatunog ang mga ito kaya pinatakbo ng mabilis ang motorsiklo at pinaputukan ng mga suspek ang mga humahabol na mga operatiba. Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa napatay ang dalawang suspek

Ang Cutad KFRG ang responsable sa pagkidnap sa isang Mareanne Dela Rosa sa Biñan Laguna noong March 27, 2013.   

Narekober ng mga otoridad sa pinagyarihan ng engkwentro ang 1 Cal. 45 pistol, 1 Cal. 38 revolver, ilang piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng  shabu at 1 Honda beat Motorcycle na walang plaka.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with