^

Police Metro

Ama hinostage tinodas ng anak

Pang-masa
Ama hinostage tinodas ng anak
Ang duguang bangkay ni Roberto Aldiz, 88-anyos matapos na siya ay patayin sa saksak ng sariling anak na si Arnelito, 64 matapos magtalo tungkol sa hinihi­nging mana ng huli sa una, naganap sa loob ng bahay sa Brgy. Del Monte, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 89-an­yos na ama nang siya ay ga­wing hostage at ataduhin ng saksak ng sariling anak naganap kahapon ng umaga sa Brgy. Del Monte, Quezon City.

Natagpuang naliligo sa sariling dugo sa kanyang kama ang biktima na kinilalang si Roberto Aldiz, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) station 2 commander Col. Richie Claravall, bandang alas-8:00 ng umaga nang ipaalam sa kanila ng barangay na hinostage ang biktima ng kanyang anak na si Arnelito, 64.

Nang dumating ang mga pulis, nakita na nilang duguan at wala nang buhay ang biktima makaraang pagsasaksakin ng sariling anak sa loob mismo ng kanilang bahay.

Nang pasukin ng mga pulis ang bahay ay pinaputukan pa sila ng suspect kaya napilitan silang gumanti ng putok kung saan tinamaan sa balikat si Arnelito na agad namang isinugod sa pagamutan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa mana na hinihingi ng suspek.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with