^

Police Metro

313 tauhan ng coast guard, tinamaan ng COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 313 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) makaraan ang pagbibigay ng tulong sa mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.

Sinabi ni PCG commandant Vice Admiral George Ursabia na sa 313, nasa 83 na sa mga tauhan ang nagnegatibo sa pinakahuling swab tests habang karamihan sa kanila ay mga asymptomatic.

Ipinag-utos na rin ni Ursabia sa Task Force Bayanihan na i-pull-out sa kanilang mga istasyon ang mga positibong tauhan at bigyan ng karampatang atensyong medikal.

Ang mga nagpositibong tauhan ay kasama sa mga itinalaga sa mga lugar para tumulong sa mga nagbabalik na OFWs, quarantine facilities at pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.  Kasama rin sila sa mga tumutulong sa mga na-istranded, mga frontline workers at nakasalamuha ng mga mangingisda, ship crew at mga cargo truck drivers.

vuukle comment

COVID-19

OFW

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with