MRT-3 biyahe na uli sa limitadong kapasidad
MANILA, Philippines — Balik-operasyon ngayong araw ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT) ay mayroong 12 train sets lamang ang bibiyahe.
Lalarga ang unang tren sa ganap na alas-5:30 ng umaga mula sa North Avenue station patungong Taft Avenue station.
Mahigpit ding ipatutupad ang contact tracing sa mga pasahero sa pamamagitan ng pagsusulat sa passengers health declaration forms bago sumakay ng tren.
Maaalalang sinuspinde ang biyahe ng MRT-3 mula July 7 hanggang 11 makaraang dumagsa ang empleyadong positibo sa COVID-19.
Samantala, tuloy pa rin naman ang pag-deploy ng 90 bus ng MRT-3 Bus Augmentation Program na may 3-minute fixed dispatching interval, ngunit balik na ito sa regular na operating hours na 5:30 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, sa North Avenue at Taft Avenue stations.
Bilang karagdagan naman, 190 bus ang idedeploy sa ilalim ng EDSA Busway Service upang maghatid ng mga pasahero sa pagitan ng Monumento at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).
- Latest