^

Police Metro

Mayor ng South Cotabato, itinumba ng tandem

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Mayor ng South Cotabato, itinumba ng tandem
Ang nakabulagtang si Santo Niño, South Cotabato Mayor Pablo Matinong matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nag-iinspeksyon ng ipi-nagagawang proyekto sa Purok Libertad, Barangay Poblacion ng nasabing bayan kahapon ng umaga.
Rhoderick Beñez

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mayor ng Santo Niño, South Cotabato na si Pablo Matinong Jr., 55, nang ito ay barilin sa ulo habang iniinspeksyon ang ginagawang proyekto sa Purok Libertad, Brgy.Poblacion, kahapon ng umaga.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga ay mag-isang naglalakad ang biktima para inspeksyunin ang ipinapagawa nitong pro­yekto sa lugar nang malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki.

Nang bumagsak ang biktima ay agad tumakas ang gunman at sumakay sa motorsiklo ng nakaantabay na  kasama.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with