^

Police Metro

3 kadete, 3 opisyal ng PMA arestuhin sa dormitorio hazing death

Raymund Catindig - Pang-masa
3 kadete, 3 opisyal ng PMA arestuhin sa dormitorio hazing death
PMA cadet Darwin Domitorio casket
STAR/Gerry Lee Gorit, file

MANILA, Philippines — Ipinaaaresto ng korte ang tatlong kadete at tatlong opisyal ng Phi­lippine Military Academy (PMA) na may kinalaman sa pagkamatay sa hazing ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Iniutos ni Baguio City Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera ang pag-aresto kina PMA 3rd Class Cadets Shalimar Imperial; Felix Lumbag Jr. at  Cadet Julius Carlo Tadena para sa murder dahil sa pagkamatay ni Dormitorio sanhi ng hazing noong Setyembre 18 at walang piyansa ang itinakda para sa pansamantalang paglaya ng tatlong kadete.

Habang ipinaaaresto rin para sa murder ang tatlong opisyal mula sa PMA Station Hospital na sina Capt. Flor Apple Apostol; Maj. Maria Ofelia Beloy; at Lt. Col. Ceasar Candelaria.Nagkakahalaga ng P200,000 kada isa ang piyansang itinakda ng korte.

Nasawi si Dormitorio sa loob ng PMA barracks matapos makaranas ng pambubugbog nina Imperial, Lumbag at Tadena.Na-confine ito sa ospital ng dalawang beses at napag-alamang nagtamo ng mga pasa sa tiyan dahil sa hazing.

Nasangkot ang tatlong doctor sa kaso dahil umano sa kabiguang masawata ang patuloy na pagmamalupit ng tatlong kadete kay Dormi­torio dagdag pa ang tangkang itago ang tunay na sanhi ng kamatayan ng huli.

vuukle comment

HAZING

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with