^

Police Metro

50 Intsik, 1 Myanmar national,timbog sa iligal na POGO operation

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga otoridad ang ikalimang palapag ng isang gusali at nahuli sa akto ang nasa 50 Chinese at 1 Myanmar national na nagsusugal sa iligal na online gambling at POGO operation, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-9:15 ng gabi nang salakayin ng pulisya ang ikalimang palapag ng gusali sa may No. 7299 J Victor St., Brgy. Pio del Pilar, makaraan ang ulat ng iligal na operasyon ng online gambling.

Nahuli sa akto ang mga dayuhan na abala sa harap ng kanilang computer sets at pawang mga empleyado ng Hua Xin POGO company.

Nakumpiska sa operasyon ang mga laptop computers, mga cellular phones, personal computers, broadbands, Wi-Fi routers, at mga multiple electronic one-time passcode, na mga ebidensya ng kanilang cybercrime operation.Bukod sa online gambling, lumabag din ang mga suspek sa ipinatutupad na protocols ng pamahalaan ukol sa ilalim ng general community quarantine.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 in relation to EO 11 ng General Community Quarantine, PD 1602 (Illegal Gambling) at RA 10175 (Cybercrime Act).

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with