^

Police Metro

PNP chief: Kamalian ng mga pulis, itatama

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police Ge­neral Archie Francisco Gamboa sa publiko na itatama nila ang mga kamalian ng mga pulis matapos masangkot ang organisasyon sa kontrobersiya.

Aminado si Gamboa na hindi naman lahat ng mga bagay ay kayang iwasan, subalit ginagawa nila ang lahat upang hindi maakusahan ng karumal-dumal na krimen ang mga pulis.

Ilan sa mga kinasangkutan ng mga pulis ay ang shooting incident sa Jolo, Sulu; pagkakasangkot ng dalawang pulis sa Ilocos Sur na inaakusahan sa pagkamatay ng isang dalagita na nag-report ng pang-aabuso laban sa mga ito na agad sinibak at pagkakapatay kay dating sundalong si Corporal Winston Ragos nitong Abril.

Nabatikos din ang National Capital Region Police Office dahil sa mañanita ni Police Major General Debold Sinas sa kabila ng pagbabawal sa mass gathe­rings ngunit nanatili ito sa puwesto.

Anya, sinisimulan ang reporma sa PNP mula recruitment hanggang sa pagpapatupad ng serbisyo upang manatili ang kanilang kredibilidad.

vuukle comment

ARCHIE FRANCISCO GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with