^

Police Metro

186 MRT-3 personnel nasapol ng COVID-19

Mer Layson - Pang-masa
186 MRT-3 personnel nasapol ng COVID-19
Sa kabuuang 1,581 station personnel, ay 185 na ang nasuri at 17 sa mga ito ang nagpositibo sa virus habang susuriin pa lamang ang 1,396 iba pa.
STAR/Michael Varcas, file

Biyahe suspendido ng 5 araw…

MANILA, Philippines — Suspendido ng 5 araw ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) simula ngayong araw dahil sa pagdami ng bilang ng mga tauhan na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na uma­bot na sa 186.

Sa kabuuang 1,581 station personnel, ay 185 na ang nasuri at 17 sa mga ito ang nagpositibo sa virus habang susuriin pa lamang ang 1,396 iba pa.

Sa 1,718 depot personnel naman ay 1,322 na ang nasuri at 169 sa kanila ang nagpositibo sa sakit habang 396 pa ang nakatakdang isailalim sa COVID-19 testing.

Ayon sa MRT-3, layunin ng temporary shutdown na bigyang-daan ang pagsasailalim sa RT-PCR swab testing sa lahat ng kanilang personnel, kabilang na yaong mga tauhan ng kanilang maintenance provider na Sumitomo Mitsubishi, at mga subcontractors, upang maiwasan pa ang higit na pagkalat ng sakit, at matiyak na protektado ang kalusugan ang kaligtasan ng mga personnel at kanilang mga commuters.

Ang mga personnel na magpopositibo sa sakit ay dadalhin sa kaukulang government quarantine facility, habang ang mga kumpirmadong negatibo sa virus ay magiging bahagi naman ng grupong mag-o-operate sa pagbabalik nila ng kanilang operasyon.

Anang MRT-3, sa mahigit 3,200 workforce ay kakailanganin nila ng may 1,300 personnel upang maipagpatuloy ang kanilang limitadong ope­rasyon.

Upang matulungan naman ang mga commuters sa kanilang pagbiyahe, ipagpapatuloy ang kanilang MRT-3 Bus Augmentation Program, na may 90 bus at fixed dispatching interval na kada tatlong minuto.

Related video:

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with