^

Police Metro

Religious gatherings sa GCQ areas, pwede na sa Hulyo 10

Malou Escudero - Pang-masa
Religious gatherings sa GCQ areas, pwede na sa Hulyo 10
Nilinaw ni Sec. Harry Ro­que na 10 porsi­yento lamang ang maaa­ring mapahintulutang makadalo sa isang pagtitipon o aktibidad na may kinalaman sa relihiyon na epektibo sa Hulyo 10.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Simula Hulyo 10 ay papayagan na ang pagsasagawa ng religous gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito ang inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa briefing kasunod ng naging pagpupulong kahapon ng IATF.

Nilinaw ni Sec. Ro­que na 10 porsi­yento lamang ang maaa­ring mapahintulutang makadalo sa isang pagtitipon o aktibidad na may kinalaman sa relihiyon na epektibo sa Hulyo 10.

Ilalabas aniya nila ang kaukulang panuntunan tungkol dito habang ilan pang mga aktibidad ang pinahintulutan na din.

Ilan dito ay ang pagpapahintulot sa mga football at basket pla­yers na makapag-practice, makapagbukas ang mga travel agencies on a skeletal force at paghahatid ng iba pang serbisyo ng mga nasa salon at barberya.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ simula Hulyo 1 hanggang 15 ay ang mga sumusunod:National Capital Region; Benguet; Cavite; Rizal; Lapu Lapu City; Mandaue City; Leyte; Ormoc; Southern Leyte; Talisay City, Cebu; Bayan ng Minglanilla; at Consolacion sa Cebu province.

vuukle comment

GCQ

RELIGIOUS GATHERINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with