^

Police Metro

Pag-apruba ng Kamara sa Bayanihan 2, siniguro

Joy Cantos - Pang-masa
Pag-apruba ng Kamara sa Bayanihan 2, siniguro
Isinagawa ni House Majority Leader Martin Romualdez ang komento makaraang sabihin ng Palasyo na maaaring magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte upang aprubahan ang Bayanihan to Recover as One Law.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Upang tulungan ang pamahalaang solusyunan ang epekto ng krisis ng pandemya ay nangako ang Kamara na aprubahan ang ikalawang bahagi ng Bayanihan law.

Isinagawa ni House Majority Leader Martin Romualdez ang komento makaraang sabihin ng Palasyo na maaaring magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte upang aprubahan ang Bayanihan to Recover as One Law.

Hinihintay na lamang ng Kamara ang opisyal na pahayag ng Palasyo ukol sa special session, ayon kay Romualdez.

Muling iginiit ni Romualdez ang suporta ng 18th Congress sa Pangulo mula nang magbukas ang sesyon ng mga ito noong Hulyo 2019.

Sa ilalim ng panukalang batas, ilalaan ang P162 bilyong standby fund at gagamitin upang suportahan ang mga operasyon at response measures upang solusyunan ang krisis ng COVID-19.

Kabilang dito ang pagpapabuti ng healthcare services at COVID-19 testing, tulong sa mga manggagawa, sektor ng edukasyon, government financial institutions, sektor ng agrikultura at turismo, ang ilan sa mga ito.

Magbibigay din ito ng ayuda sa “all affected Filipinos” ng halagang P5,000 hanggang P8,000 kagaya ng unang Bayanihan Law.

vuukle comment

KAMARA

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with