^

Police Metro

Metro Manila mananatili sa GCQ, Cebu City ECQ pa rin

Malou Escudero - Pang-masa
Metro Manila mananatili sa GCQ, Cebu City ECQ pa rin
Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa GCQ hanggang Hulyo 15 kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at Ormoc ay nasa ilalim din ng general community quarantine.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila habang ang Cebu City ay Enhanced Community Quarantine (ECQ) pa rin.

Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive.

“You have the highest. Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? Eh wala mo musunod eh. Marami sa inyo hindi sumunod… I am a Cebuano. I come from Danao, Cebu. Kaya ang mga Bisaya talaga, maski sa Davao, ‘yung mga Bisaya doon ang titigas talaga ng ulo hindi mo mapasunod,” ani Duterte.

Ipinaliwanag ng Pa­ngulo na hindi dapat malito sa dalawang Cebu dahil ang pinakadulo ay ang Cebu City na  nag-iisang ECQ sa bansa.

Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa GCQ hanggang Hulyo 15 kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at Ormoc ay nasa ilalim din ng general community quarantine.

Ang Talisay City, na nauna nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ay isinailalim sa general community quarantine, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion sa probinsya ng Cebu.

Habang isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod: CAR: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga; Region 1: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan; Region 2: Cagayan, Isabela; Region 3: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City; Region 4A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City; Region 4B: Palawan, Puerto Prin­sesa City; Region 5: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City; Region 6: Capiz, Iloilo, ­Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City; Region 7: Cebu Province, Bohol, Negros Oriental; Region 8: Tacloban City, Western Samar; Region 9: Zamboanga City, Zamboanga del Sur; Region 10: Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro;Region 11: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro; Region 12: Cotabato, South Cotabato; Region 13: Agusan del Norte, Butuan City.

vuukle comment

ECQ

GCQ

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with