^

Police Metro

Quezon City naglunsad ng online legal assistance program

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang makapagbigay ng ayudang legal ang mga residente ng Quezon City ay naglunsad si Mayor Joy Belmonte ng online legal assistance program para asistihan ang mga nangangailangan.

Ang QC Online Legal Assistance ay magkasamang itinataguyod ng lokal na pamahalaan at ng online legal resource MyLegalWhiz, para sa isang virtual lawyer na handang magbigay ng impormasyong legal at ayudang legal sa anumang oras.

Ang programa ay naglalaan ng free 500 credits sa mga residente ng lahat ng barangay na mag-sa sign up sa website.Ang credits ay maaaring magamit sa  case summaries, drafts ng mga legal documents at mga ordinansa.

Ang mga interesado sa free legal assistance sa pamamagitan ng website ay maaaring maka-access sa www.credits.mylegalwhiz.com.

Ang website ay kata­tampukan din ng Legal Engineer Assistant (LEA) na isang digital research assistant na aasisti sa user sa paggawa ng mga dokumento at magbibigay ng abogado kung kinakaila­ngan.

Anya ang website ay maaari ding kunan ng impormasyon at kaalaman tungkol sa COVID-19.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with