^

Police Metro

4 opisyal ng army napatay ng mga pulis sa Jolo

Doris Franche, Mer Layson, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na sundalo ng Philippine Army ang nasawi nang sila ay pag­babarilin ng mga pulis matapos umanong tuma­kas ang mga una habang nasa police station para sana imbestigahan kung bakit sila may dalang mga armas naganap kamakalawa ng hapon sa Walled City, Jolo, Sulu.

Ang mga napatay na sundalo ay sina Maj. Marvin Indamog; Capt. Irwin Managuelod; Sgt. Eric Velasco; at Cpl. Abdal Asula.

Sa inital report mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Philippine National Police, nagpapatrol ang Jolo Municipal Police Station (MPS) at Provincial Drug Enforcement Unit police officers sa Barangay Bus-Bus nang mamataan nila umano ang apat na armadong lalaking lulan ng gray SUV sa Sitio Marina, Barangay Walled,bandang alas-2:40 ng hapon.

Nang komprontahin ng PNP team, nagpakilala ang mga lalaki na AFP servicemen at makaraan ay inatasan na magtungo sa Jolo MPS para sa beripikasyon.

Ngunit nang duma­ting sa istasyon, sinabi ng mga pulis na tumakas umano ang mga sundalo at nagtungo sa Martirez, Barangay San Raymundo kaya’t hinabol ang mga ito.

Diumano, bumaba ang apat na sundalo sa sasakyan at pinaputukan ang mga pulis na nagresulta sa isang engkwentro at napatay ang mga una.

Nakatakdang imbes­tigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City ang naganap na engkwentro.

Kaya’t inatasan si Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) director Brig. Gen. Manuel Abu na magpatupad ng administratibo at operational support sa NBI.

Pinadisarmahan at isinailalim na sa kustodiya ng Sulu Provincial Police Director ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo batay sa kautusan ni Interior Secretary Eduardo Año.

Para kay Año, ang na­turang pagpatay ay “very unfortunate” at hin­di dapat nangyari.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with