^

Police Metro

Magtatay pinasok sa bahay, pinatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang mag-ama nang sila ay pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang mga suspek na pumasok sa kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing mag-ama na sina Monico, 66 at Jerico Labarigo, 25 ng Brgy. 175, North Caloocan.

Sa salaysay sa pulisya ni Ligaya Labarigo, asawa ni Monico, alas-11:00 ng gabi nang sapilitang pasukin ng dalawang lalaki na kapwa armado ng baril ang kanilang bahay at hinahanap umano ng mga ito ang manugang ni Ligaya na si alyas “Bait,” at nang hindi ito makita ay ibinaling ang galit sa dalawang biktima at pinagbabaril. Masu­werteng hindi tinamaan ng ligaw na bala ang limang iba pang bata.

Nagtataka si Ligaya kung bakit pinatay ang kanyang mag-ama lalo’t wala namang kaaway at hindi rin kasama sa drugs watch-list ang mga ito. Aminado naman si Ligaya na dating nasangkot sa ilegal na droga ang kanyang manugang.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with