^

Police Metro

Ex-cop, 2 pa todas sa barilan

Tony Sandoval - Pang-masa
Ex-cop, 2 pa todas sa barilan
Ayon kay PLt.Col.Dennis de leon, chief of police dito, nakipag-ugnayan sa kanila ang joint operatives ng Special Operations Unit (SOU), PNP Anti Kidnapping Group-RDB at SAF upang isilbi sa mga suspek ang search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Marino Ricablanca, Executive judge ng RTC 4th Judicial Region, Sta. Cruz Laguna kaugnay sa kasong paglabag sa RA 10591.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang da­ting pulis na sinasabing kasapi ng kidnapping group nang makipagbarilan umano ang mga ito sa mga otoridad na magsisilbi ng search warrant kahapon ng madaling araw sa Barangay Behia, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang mga napatay na sina ex-Pa­trolman Rico Moog Gutierrez Jose Alcaira at isang hindi pa nakikila­lang lalaki.

Ayon kay PLt.Col.Dennis de leon, chief of police dito, nakipag-ugnayan sa kanila ang joint operatives ng Special Operations Unit (SOU), PNP Anti Kidnapping Group-RDB at SAF upang isilbi sa mga suspek ang search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Marino Ricablanca, Executive judge ng RTC 4th Judicial Region, Sta. Cruz Laguna kaugnay sa kasong paglabag sa RA 10591.

Nang puntahan ng mga otoridad, alas-2:30 ng madaling araw ang pinagtataguan ay agad silang pinagbabaril ng mga suspek kaya’t gumanti ng putok ang mga ito na tumagal ng 15 minuto ang barilan na kung saan ay napatay ang mga huli.

Nasamsam sa bahay ng mga suspek ang 2 long rifle, 1 semi auto shotgun, 1 caliber 45, 1 caliber 22 rifle, 1 380 pistol, 1 super 38, 5 cal. 45 at hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with