^

Police Metro

Higit 12K ofws idedeploy sa Hong Kong

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pang-masa
Higit 12K ofws idedeploy sa Hong Kong
Ayon kay Philippine Consulate General Raly Tejada na inaasahang dadating sa Hong Kong ang 12,662 OFWs at sa bilang na ito, 7,907 na manggagawa ang bagong hire at 4,755 ang mga tinanggal na empleyado ngunit nakahanap ng bagong trabaho.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mahigit 12,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang ipadadala sa Hong Kong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Consulate General Raly Tejada na inaasahang dadating sa Hong Kong ang 12,662 OFWs at sa bilang na ito, 7,907 na manggagawa ang bagong hire at 4,755 ang mga tinanggal na empleyado ngunit nakahanap ng bagong trabaho.

Kailangang sumailalim ang inbound travelers sa 14-day quarantine at COVID-19 screening bilang precautionary measures upang pigilan ang pagkalat ng virus.

“Medyo nagwo-worry din po ang Hong Kong government kung saan sila ilalagay sapagkat ang quarantine pong 14 days ay mandatory po rito,” saad ni Tejada.

“Ang mga employer po at mga agency na nagpadala po rito ng employees ay siya po ang may number one na may responsibilidad po na maglagay sa kanila sa quarantine centers, ma­ging hotel man o sa mga pasilidad na tumatanggap ng quarantine.”

Iniulat din ng consul general na nakapagpauwi ito ng 200 stranded na mga Filipino pauwi sa bansa. Inaasahang uuwi pa sa mga susunod na araw ang 250 na iba pa.

vuukle comment

OFW

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with