^

Police Metro

Abusadong BPO firm sa empleyado, paiimbestigahan sa DOLE

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Senator Imee Marcos sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kaso ng umano’y pang-aabuso sa mga call center agent, bunsod ng kanilang flexible na oras ng trabaho sanhi ng pan­demya ng COVID-19.

Sinabi ni Marcos na maaaring ipinangangatuwiran ng mga call center ang inilabas na advisory ng DOLE, bago magpatupad ng lockdown nitong Marso, para ipitin ang sahod ng empleyado o kaya ay ipasa sa mga ito ang operational costs ng kumpanya para hindi malugi.

Kabilang sa mga reklamong natanggap ng opisina ni Marcos ang hindi pagbibigay ng sahod sa nakalipas na 60 hanggang 90 araw, di-pagkakaloob ng separation benefits para sa mga inalis sa trabaho, hindi nabayarang kuryente at wifi access para sa mga pang gabing empleyado na nagtatrabaho sa kanilang mga bahay, mas mahabang oras ng trabaho para sa mga work-from-home na walang dagdag na bayad sakaling bumigay ang kanilang system tools, at sapilitang maternity leave na walang kasiguraduhan kung makababalik pa sa trabaho.

Sinabi ni Marcos na kailangang mahigpit na bantayan ng DOLE ang pagsunod sa batas ng mga kumpanya dahil sa posib­leng mas malawak pa umano ang problema sa isyu na ito sa industriya ng business process outsour­cing.

vuukle comment

DOLE

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with