^

Police Metro

DOH, DBM isu-subpoena ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa
DOH, DBM isu-subpoena ng Ombudsman
Ito ay matapos na maghinala si Ombudsman Samuel Martires na may itinatago ang DOH nang paikut-ikutin ang kanyang mga tauhan nang hingin nila ang mga dokumento at data kaugnay ng COVID-19 response ng ahensya.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Padadalhan ng subpoena ng Office of the Ombudsman ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng gina­gawang pagbubusisi ng tanggapan sa sinasabing mga ano­malya­ sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Ito ay matapos na maghinala si Ombudsman Samuel Martires na may itinatago ang DOH nang paikut-ikutin ang kanyang mga tauhan nang hingin nila ang mga dokumento at data kaugnay ng COVID-19 response ng ahensya.

Ayon kay Martires, simula nang isagawa ang imbes­tigasyon hinggil sa COVID-19 response ng DOH ay wala nang makausap ang kanilang probers dahil sa iba’t ibang alibi tulad ng sinasabing “nasa meeting” at walang gustong sumagot sa kanilang tanong hanggang sa maabutan sila ng lockdown.

“We are not demanding much of their time. In fact, these cooperation with the investigation can be done by a clerk, not even a division chief, unless they want to sanitize the documents. May mga itinatago,” pahayag ni Martires.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng Ombudsman ay ang mga isyu sa pagbili ng DOH ng 100,000  test kits,  naatalang pagbili ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) at iba pang medical gears na kailangan para protektahan ang mga healthcare workers, iregula­ridad sa pagkakaloob ng ayuda sa mga medical workers at infected medical frontliners, at sa kawalang aksiyon sa pagproseso sa pagkakaloob ng financial assistance sa mga namatay na medical frontliners sa COVID. 

Giit ni Martires, kailangang managot ang mga nasa likod ng mga iregularidad dahil ang moral ng publiko ang nakasalalay dito.

vuukle comment

DBM

DOH

SAMUEL MARTIRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with