^

Police Metro

83% Pinoys lumala ang buhay -- SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa
83% Pinoys lumala ang buhay -- SWS
Lumalabas na 83 porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing lumubha o lumala ang kanilang buhay nitong Hunyo 2020 survey na mas mataas sa 62% ng mga Pinoy ang nagsasabing lumala ang kon­disyon ng kanilang buhay noong Hunyo 2008.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Lalong lumala ang buhay ng nasa 83 porsyento ng mga Pinoy sa nakalipas na 12 buwan sa bansa.

Ito ang lumabas na resulta sa isinaga­wang mobile phone poll ng Social Weather Stations (SWS) mula May 4 hanggang May 10 sa may 4,010 respondents mula sa hanay ng working-age Pilipino sa panahon ng COVID-19 pandemic.

May 10 porsyento naman sa naturang­ bilang ay nagsabing ang kanilang buhay ay pareho lamang ng dati at 6 porsyento ang nagsabing maayos ang kanilang buhay.

Lumalabas na 83 porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing lumubha o lumala ang kanilang buhay nitong Hunyo 2020 survey na mas mataas sa 62% ng mga Pinoy ang nagsasabing lumala ang kon­disyon ng kanilang buhay noong Hunyo 2008.

Ayon sa SWS, ang 6 percent ng 4,010 Pinoy na nagsabing gumanda ang buhay na tinawag na “Gainers” ay mas mababa naman sa 9 percent ng mga Pinoy na nagsabing gumanda ang buhay noong Hunyo 1985.

Ang term naman na “Losers” ay yaong­ mga Pinoy na nagsabing lumubha ang buhay at ang mga nagsabing pareho lamang ang uri ng kanilang buhay ay binigyan ng term na “Unchanged”.

Ang non-commissioned SWS poll ay naisagawa sa mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa 4,010 working-age Filipinos na may edad 15 patas sa buong bansa. 

Sa kabuuang bilang, 294 ang na-interview sa NCR, 1,645 sa Balance Luzon, 792 sa Visayas at 1,279 sa Min­danao.

vuukle comment

COVID-19

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with