COVID-19 calamity loan, bukas na sa SSS members
MANILA, Philippines — Maaari na ngayong makautang ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ito ay makaraang buksan ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa may 1.74 million potential member-borrowers ng programa.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, ang pautang ay ibabase sa average ng kanilang monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan at ang mga miyembro ay makakautang ng hanggang P20,000.
“We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum,” pahayag ni Ignacio.
Karaniwan ang CLAPs ay binabayaran sa loob ng 24 buwan na may interest rate na 10 percent kada taon.
Ang miyembro ay kailangan mag register sa My.SSS web portal sa SSS website at www.sss.gov.ph para makautang sa CLAP at hindi na kailangang magpakita ng dokumento na ang kanilang lugar ay naisailalim sa calamity area dahil ang buong bansa ay apektado ng Covid-19.
- Latest