^

Police Metro

MPD operatives kinuyog, pinadlock sa bahay ng target sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging maaksyon ang ginawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) matapos na sila ay kuyugin at ipadlock sa bahay ng kanilang target na “tulak” na kanilang naaresto sa San Andres Bukid, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nabatid na nauwi sa rescue operation ng kanilang mga kabaro ang isinagawang buy-bust ng MPD nang ikandado ang gate ng bahay ng dalawang drug watchlisted at nakulong ang mga operatiba.

Umabot ng ilang oras bago tulu­yang nakalabas ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD-Station 5, nang sumaklolo na ang mga kasamahan mula sa MPD-Station 6 at MPD headquarters. Dahil sa pangyayari, pansamantalang dinala sa MPD-Station 6 alas-11:45 ng gabi ng Hunyo 12 ang mga suspek na kinilalang sina Saadudin Alawiya alyas “Boss”, 28-anyos, ang target sa buy-bust operation, ng No. 2458D, Amatista Street, San Andres Bukid, at Abdullah Maute, 29, negosyante, ng No. 2458-C, Amatista St., San Andres Bukid, kung saan inilatag din ang mga nakumpiskang ebidensiya kasama ang mga tauhan ng SDET ng MPD-Station 5.
Sa ulat ni P/Corporal Arnold Tibay, dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust laban kay alyas “Boss” at mga kasabwat, sa pangunguna ni SDET P/Lt. Job Jimenez at sinalakay na loob ng kanyang bahay matapos makabili ng ilegal na droga ang poseur-buyer.
Nang matunugan ng mga kamag-anak ang nagaganap na operasyon ay tinangkang agawin ang mga suspek at itakas. Nagpa­saklolo sa mga kapitbahay at nagbarikada ang mga kaanak ng mga suspek at ipinadlock ang gate ng bahay dahilan upang hindi makalabas ang mga pulis na may hawak sa mga suspek bandang alas-7:00 umano ng gabi. Tumagal hanggang alas-11:00 pasado bago pa nalaman ng MPD-Station 6 at MPS headquarters ang nagaganap kaya sinaklolohan ang mga operatibang nakulong sa nasabing bahay. Nakumpiska ang nasa 8 sachet ng shabu, isang pula at puting­ plastic container, digital weighing scale, isang bundle­ ng plastic sachet, P1,000 genuine at P5,900.00 na boodle money, 2 cellphone at 38 gramo ng shabu na may street value na P258,400.00.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan na  ni Manila Mayor Isko Moreno ang insidente.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with