Dine-in sa restaurants pwede na sa GCQ sa June 15
MANILA, Philippines — Maaari nang mag-operate ang mga restaurants para sa kanilang dine-in services sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula sa Hunyo 15, 2020.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force-Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang dine-in sa mga kainan tulad ng karinderya, food kiosks, fast-food, casual at fine dining restaurants subalit hanggang 30% capacity lamang upang maipatupad pa rin ang health protocols para sa coronavirus diseases 2019 (COVID-19).
Ikinonsidera umano ng IATF ang pangangailangan ng milyong manggagawa sa industriyang ito na marami na ang nawalan ng trabaho nang hindi naman mako-kompromiso ang kaligtasan para sa kalusugan kaya may itinakdang protocols na dapat sundin kabilang ang no mask, no entry policy; social distancing protocols;
maximum na bilang ng kustomer, regular na sanitation schedule at procedures; may aletrnatibong pamamaraan ng pagbabayad, pag-oorder at pag-pickup ng mga orders; client-personnel interaction protocols; at enforcement measures.
- Latest