^

Police Metro

2 Chinese kidnaper utas sa shootout

Doris Franche, Gary Bernardo - Pang-masa
2 Chinese kidnaper utas sa shootout
Bulagta ang dalawang Chinese nationals na hinihinalang kasapi ng kidnap-for-ransom group na dumudukot sa mga kapwa Chinese sa engkuwentro sa Angeles City, Pampanga kahapon.
Gary Bernardo

MANILA, Philippines — Bulagta ang dalawang Chinese na miyembro umano ng kidnap-for-ransom group (KFRG) habang sugatan ang isang pulis matapos ang isang engkuwentro sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay habang dinala na sa ospital ang sugatan na si Capt. Diaz na tinamaan ng bala sa paa.  

Ayon kay P/BGen. Jonnel Estomo, commander ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), dakong-9:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang PNP-AKG Central Luzon sa pamumuno ni Lt. Col Villaflor Bannawagan at CIDG-Angeles sa Forest Park, Angeles City. Kasunod ito sa kasong kidnapping ng tatlong Chinese na na-rescue sa Angeles noong Hunyo 1 at pagkakaaresto ng dalawa pang Chinese kidnappers noong Hunyo 6, 2020 kaya dito naituro ang pinagtataguan ng da- lawang Chinese suspect sa Angeles City. 

Namataan ng mga ope­ratiba ang isang Hyundai Starex na diumano’y ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa mga kapwa Chinese.  Lalapitan sana ng mga operatiba ang sasakyan para sa beripikasyon nang bigla silang paputukan ng dalawang suspek at tinamaan sa kanang paa si Diaz sanhi ng shootout na ikinasawi ng mga suspek.

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with